THE DATE PART 2
NGANGA!
literal napa nganga talaga ako sa sinabi ni ice.
" pft- HAHAHAHAHA " siya, ganun? tatawanan nalang niya ako?
*death glareee*
"ehem! i was joking. peace?"
"kala ko kasi serious ka dun. sayang naman tong effort na ginawa nila :("
"hahahaha. di mabiro oh! ^____^V"
---
Papunta palang kami sa venue and after mag joke ni ice naging tahimik kami in 15 minutes and 36 seconds na walang imik sa isat isa. Wag kayo magtaka kung bakit pati seconds alam ko, KINAKABAHAN KASI AKO!! Perstaym ko kayang pumupunta ng mga ganitong chuchu.
Kelangan ko ng mag-isip ng kahit na ano mawala lang yung kaba ko.. “uhh” napatingin naman sakin si ice.
“may problema ba ran?”
“uhh,wala.”
SILENCE …
“im sorry kung hindi kita kinakausap. Nag drive kasi ako baka you know” siya
“ok lang. andito naba tayo?”
Uhh, ang bopols mo talaga ran! Kitang nasa daan pa kayo eh, tanungin ba ang venue? *mental slap* sorry naman ah?Nenerbyos eh.
*chuckle*
“anyare sayo?”
“wala ^____^” siya yan. Muntanga lang tumawa ba ng walang dahilan? Ang weird.
“uhh ice, pwede bang mag salita ka naman? Kahit kunti lang?”
“bakit naman?”
“eeeh. Kinakabahan ako eh”
“hindi naman halata ah” siya.
Nang aasar pa.
“hmmmp!”
“hahahahaha. Oo na,toh naman di mabiro. Nasabi ko na ba sayo na ang ganda mo ngayon?”
>//////<
“ salamat?” eh sa nahihiya ako eh. anak ka ng butanding! Kelan pa ako natuto mahiya? Aish!
“hahahahahahaha. Ang cute mo! *pisil sa ilong*”
“awwwwww. Masakit yun ah! Ang ilong kooo!”
Tinignan ko siya ng may humanda –ka-sakin-pagbaba-natin-look at ang gwapo tinawanan ako. Pansin ko lang, parating tumatawa ting ice nato, ano tingin niya sakin clown? Sa ganda kong to!
“andito na tayo!”
Baba na sana ako pero hinawakan niya muna yung kamay ko at tumingin ako sa kanya >////<
“bakit?”
“ok lang ba sayo na may mga reporters na magtatanong sayo?”
Ano daw?
Reporters?
“reporters?”
“oo. Kasi you know, yung ka date mo..”
“oh, I get it. No please. Ayoko.”
“ok. Wait lang”
At kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. “hello. Yes, andito na. oo, kasama ko. Ok. Bilisan mo or else. K bye!” tapos ibinulsa yung phone at tumingin sakin.
“ganito, expected ko na kasi na ayaw mo yung reporters. So, yung kabarkada ko pinapunta ko dito and dada..” naputol yung sasabihin niya kasi may kumatok na lalake at pumasok sa kotse.
“ma swerte ka at yung mga reporters kumakain pa. so, tara! Bilisan na natin” lalake. Agad agad siyang lumabas pati na rin si ice at binuksan ang pinto sa kotse.
“thank you” pumasok na kami sa loob.
Halata talagang pinag isipan at pinaghandaan ang loob, ang ganda eh.di ko na elaborate ang nasa loob kasi di ko feel. :P
“ you wanna eat or some punch?” siya
Nasa table na pala kami at eheem! Ang gwapo talaga ng ka date kooooo! XD
“uhh, wag na. kakain ko lang sa bahay. Hehehe. “
“ok. Wanna dance?” siya
“hahaha. You’re kidding right? Wala pa kayang sound”
“hahahaha. Oo nga nuh?Ahahaha, sorry. First time ko magdala ng date eh”
“weh?”
At humagalpak ng tawa ang gwapo kung date. “ hoy! Huminga ka naman jan!”
“hahaha kasi hahaha naman hahaha”
“tapusin mo nga muna yang tawa mo.”
Tumalikod naman siya at pinakalma ang sarili habang ako naka tingin lang sa kanyang likod. Ang sexy ng likod niya. Pwede ng ulam! Pramis!
“macho ko nuh?”
Butanding! Nakita niya akong nakatingin sa kanyang likod at NAKAKAHIYA! >///< swallow me world!
“….”
“galit?”
Still no response.
Hmmm..Nagtampo tampohan kuno ako.Hahahaha. Feel ko lang mang asar eh. XD
“oy sorry na ran! Di na mauulit! Oy!”
Deadmaruu pa ulit. Kunti nalang ice, pag pinilit mo pa ako bibigay na talaga ako. Ang londeeee ko! Ok lang yan, si ice naman eh! hahaha XD
“pramis. Di ko na uulitin. Oy ran!”
Hala! Nag sad face na! waaaaaa.
Alam ko na!
“ bakit mo ko tinawanan?” oh,maldita ang peg ko ngayon!
“ah kasi ang cute mo mag WEH eh. ayun. Sorry na!”
“forgi-“
Di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may kumuha kay ice papuntang back stage. Anak ka ng nanay mo! Di ba nila nakita na nag mo moment kami ng prince charming ko dito ah? Ah?
“awww. Kawawa naman ang panyo. Wala naman siyang ginawa”
Napalingon ako sa lalake’ng nagsalita and to my surprise siya yung lalake na kasama ni ice nung na hospital ako. Oooh! Ang gwapo niya ngayon pero mas gwapo pa si ice my labs! Tinignan ko lang siya and I guess na gets naman niya yung ibig kung ipahiwatig.
“ako na ang hihingi ng despensa sa pag kidnap kay ice, siya kasi ang start of the night and reporters and everything”
“ok lang.”
“ako nga pala si keith”
“ ran”
At nag shake hands kami. Parang nag seal lang ng deal sa business ang peg namin. Akala ko aalis na siya after niya magpakilala pero to my surprise, sinamahan niya ako dito at ayun usap usap. Nag start na ang program and ipinakilala ang star of the night at ako naman eh di pumalakpak ng bongga.
“ saya natin ah?” si keith
“masama?”
“di naman. Lam mo, ang suplada mo”
“so?”
“sinabi ko lang. to naman. Bakit ang suplada mo?”
“bakit ang rame mung tanong?”
“uhh.. masama ba?”
At nag :( na si keith. Kung makikita mo lang yung mukha niya parang bata na nawalan ng candy at sa sobrang ka cute-an niya.
“ aray!” siya
“hehehe. Sorry. Ang cute mo mag tampo eh.hahahahahahaha”
Tumingin naman ako sa kanya na para bang tinignan niya ako ng kakaiba?
Anong mali? Tumawa lang naman ako.
“bakit?”
“it’s better na parati kang ngumingiti o tumatawa, lalo kang gumaganda eh” siya with matching walk out at ako? I left dumbfounded.
Ano daw sabi niya?
Gumanda?
Ano ulet? Di ko kasi parinig, biglang lumakas yung sounds eh..
Hindi naman sa nag assume pero yung narinig ko parang “gumanda chuva” eh
“ran”
Bumalik naman yung ulirat ko ng bigla’ng may tumawag sa napaka gandang pangalan ko and my prince charming/crush ko/future boyfriend ko lang naman ang tumawag sakin.
“ im sorry ran kung iniwan kita dito”
“ok lang naintindihan ko mr. star of the night”
“im sorry talaga. Tara, alam kung gutom na yang mga alaga mo sa tiyan.”
Kukuha na sana kami ng food ng biglang may dumating na reporters at ininterview na siya. Parinig ko naman kasi malapit lang naman sila sakin.
Reporter: mr. ventura, according to our reliable source for the first time may dinala kang ka date ngayon?
Ice: I guess di ko na pwedeng itago to and yes, may ka date ako ngayon.
Reporter: pwede ba naming ma meet siya?
Oh god! Ice, please wag! Maawa ka. Dali dali akong nag type sa phone ko to text ice na hindi pwede and to my relief nabasa naman niya ang message ko.
Ice: im sorry but she’s a private person and with all due respect sir, can I eat first? Im starving you see. I didn’t mean to be rude but im so hungry.
Ang adek ni ice, sabihin ba naman sa reporter na gutom na siya? Yet ang cool ah, perstaym kung makarinig ng ganung klaseng salita at take note sa reporter pa. tumawa naman ang reporter sa inakto ni ice and nagsalita.
Reporter: last question mr. ventura, what’s the score of the both of you?
Ice: im sorry but can we continue it later my stomach is really in protest.
At umalis na siya bigla papuntang buffet table and me? Left dumbfounded again. I know, di ako dapat mag assume. Kakikilala pa lang naming and everything pero ang sakit eh. ok lang naman sakin na sabihin niyang “We’re friends” or “my schoolmate or batchmate” oh diba, keri lang pero yung sagot niya? Nakakabanas! Nakaka sira ng araw!
“ ran, ok ka lang?” siya
“yes. Oh, ang rame naming food niyan?”
“ I don’t know what’s you’re fave eh. so, niramihan ko lang”
Nag nod nalang ako at nilantakan ang food na kinain namin. Di naman kami halata na kami yung magka date kasi nasa table kami ng barkada niya with their date’s also and bihira lang naman ako magsalita. Badterp eh.after naming kumain,nag salita na yung emcee and blah blah
Di na ako nakinig, awarding na kasi eh pero pag tinawag si ice todo palakpak naman si ako. Ako ka date eh! XD nung kinuha na yung MVP ata yun na award nag speech siya and after kumindat siya sakin!
KUMINDAT SIYA! KUMINDAT SIYAAAAAA! ISA KAYA YUNG SA PINAKA ASAM ASAM KUNG PANGARAP NA KINDATAN SA NAG IISANG YUEH IEXZHEKL VENTURA! I CAN DIE NOW! XD
Pero wag niyo po totohanin lord, magpapakasal pa kami ni ice, magkaka anak, magkaka apo and such. Yiiiieeee! Kinikilig ako.
“ ngiti mo jan?”
“anak ka ng butanding!”
“ sa gwapo kung to? “
“hahahaha. Pa sensya naman. Nagulat lang. “
Tumawa naman siya at “thank you for accompanying me tonight ran”
“wala yun. Ano ka ba! Its my pleasure nga eh kasi naka ranas ako ng ganito”
“seryoso, salamat talaga”
“oo na. “’
At tumahimik kami ng biglang tumugtog ang just the way you are accoustic ng boyce avenue at sumakto pa talaga sila sa favorite kung kanta. ang destiny oh, dumadamoves! kekeke <3
“May I have this dance?”
Kinuha ko naman ang kanyang kamay at naglakad na kami sa dance floor. Pinulupot ko yung mga kamay ko sa kanyang batok samantalang yung kamay naman niya nasa bewang ko.
OH MY GOD!
Ito pa ang isa kung pangarap ang maisayaw ni ice. Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!
“na sabi ko na ba sayo ang ganda mo ngayon?”
“ngayon lang? >3<”
“di aah, mas maganda ka pa nga kung hindi naka make up.”
“ibig sabihin ang chaka ko ngayon?”
“ di aah. Aish! Bat ayaw mo maniwala sakin?”
“hahahahaha. Di ah, naniniwala ako sayo. Ang cute mo kasi pag tripan XD”
\when I see your face
Theirs not a thing that I would change
Cause youre amazing just the way you are/
“napapansin ko na ah, kanina mo pa ako pinagtripan”
“di ahh.”
“hahahaha. Ang cute mo!”
Nagtawanan at nag asaran lang kami sa dance floor ng biglang may nahagip ang aking beautiful eyes isang paparating na reporter and my instinct tells me to hide in ice’s chest. Nahalata naman niya kaya yinakap niya ako ng bongga.
“can’t you see were dancing?”
“kahit isang picture lang mr.ventura.” reporter
“can’t”
And napansin ko nalang na binigyan niya ako ng handkerchief “ itakip mo yan sa mukha mo and hold tight”
Teka, ano ibig sabihin niya ng …
“aaaaaaaaah!”
OH MY FREAKIN MACAREL!
BINUHAT AKO NG ISANG ICE, NASISINGHOT KO ANG KANYANG MANLY PERFUME AT ANG PINAKA MALUPEEET, NAKA HAWAK AKO SA KANYANG OH-SO-PERFECT CHEST!
ANAK NG!
ANG PANDEABS! FEEL NA FEEL KO!
SHEMAAAY NA MALAGKIT!
OH MY!
Kelangan kung kumalma. Inhale – exhale –inha-
PANO AKO KAKALMA KUNG HAWAK HAWAK AKO NG MAHAL KO!!!! SIGE NGA! PALIT TAYO NG POSISYON, TIGNAN NATIN KUNG KAKALMA KA AAAH! PERO ON THE SECOND THOUGHT, DI KO PAPALITAN ANG SITWASYON KO NUH, SWERTE NIYO NAMAN! :p
At habang nagkakagalo sila eh ako naman busy sa kaka amoy ni ice at sa mga pandeabs ni ice. >////< minsan lang to teh, grasya ng lumalapit sakin kaya gorabels na akets.
Habang amoy amoy ako dito napansin ko biglang tumahimik ang kapaligiran at at..
“done sniffing?”
“ ha? Ah? Di ahhh..”
“ so, ano yung ginagawa mo? >:)”
“Wala ngaaaaa! Ibaba mo nga ako baka ma-“
“baka ma ano?”
“wala!”
Binababa naman ako ng mokong. Awww! Ice, wag kang maniwala sa sinasabi ko. Joke ko lang yun! :(( Tinotoo naman ni prince charming. Sayang tuloy ang grasya.
“ sorry ah, kung nasira ang date natin.”
Hala! Anong na sira? Super ganda nga ng date naming ah. MOST MEMORABLE EVER!
“wala yun. Ako nga dapat magpasalamat sayo kasi iniligtas mo ako sa mga monsters”
“ano? Monsters?”
“yep. Monsters tawag ko sa mga reporters eh.”
“hahahahahahahahahaha”
Tumawa naman siya mga kaibigan. Tingin ata niya sakin clown eh hindi ka date. Nahinto naman yung kakatawa niya ng biglang nag ring yung phone ko.
“kuya? Oo, papunta na kami jan. ok. “
“tara?”
Na gets naman niya yung ibig sabihin sa phone kaya inihatid na niya ako sa bahay ni beb. Nung nasa sasakyan na kami, dun ko lang naramdaman ang pagod at inaantok na rin ako pero kaya pa naman.
“ pwede magtanong?”
“nagtanong kana”
“pilosopa. Bakit sa bahay ng bestfriend kita ihatid? Di ba may bahay naman kayo?”
“dun ako matutulog eh.”
May sinasabi pa sakin si ice pero di ko na kaya talaga, inaantok na talaga ko pero yung huli kong natandaan sa sabi niya ang salitang magulang..
And off to my dreamland..
*
Lumipas ang isang buwan at di na nagpaparamdam si Ice. ni hi or hello sa text, call, facebook, twitter, tumblr, plurk, myspace wala talaga. kahit sa school, hinde ko rin siya nakikita. tulad ngayon, papunta ako sa gym para magtanong kung ano'ng nangyari sa kanya ng biglang nakita ko yung chinito guy.
"chinito guy"
lumingon ka, lumingon ka chinito guy, pag di ka lumingon mapapatid ka ng bato and yun! lumingon naman siya sakin. nag sign naman ako na lumapit siya sakin. hahaha. ako kaya batas sa toot university. XD
"bakit?"
mag tatanung ba talaga ako? malamang sa malamang magtatanong ka. ano pang silbe ni chinito guy diba? pero, baka i mis interpret niya yung mga tanong ko? aish! bahala na nga lang.
"ano, nakita mo ba si ice?"
pagkasabi ko sa pangalan ni ice, ngumit naman si chinito parang may masamang idea na nabuo sa isip niya and di ko betsung yung naiisip niya kaya inunahan ko na siya.
"kung ano yang iniisip mung balasubas, wag mo ng ituloy dahil hindi yan ang ibig kung sabihin. nagtatanong lang ako dahil pagkatapos nung chuchu night na yun di na siya nagparamdam"
"bakit ang defensive mo?"
"bakit ang matanong mo?"
"na curios ako?"
"putek! sasagutin mo tanong ko o sasagutin mo?"
"nagpractice kami sa upcoming championship and pag sinabing practice matinding practice,matinding matindi. dinaig pa nga si coach sa sobrang kahigpitan at alam mo bang, halimaw yang si ice pag nasa cour---"
"ehem"
"potang namatay!"
O______O -- silang dalawa yan. chinito guy at ice which is speaking of the devil and biglang sumulpiot na parang mushroom.
"tingin tingin niyo jan?=____^"
"kababaeng tao ang hilig magmura" siya
"oh? paki mo ba?"
natahimik naman siya sa sinabi ko. tama nga naman, pake ba niya kung mahilig ako magmura? bakit? ngayon lang ba siya nakarinig ng babae'ng nagmura? pssh.
"oh, ayan na yang hinahanap mo. captain, una na ako sayo and miss, ako pala si mint ^__^"
at lumayas na si mi- ano nga ulet yung pangalan niya? menthol? mark? aaah basta, M nagstart ng name niya. sorry naman mga prengs, im not good at remembering names and faces. (__ ___)
"bakit mo ko hinahanap?"
"putek naman ice! pwede ba wag kang manggulat?"
"ayan na naman yang bibig mo"
"pake mo ba?"
nag shrug nalang siya tapos hinala niya ako bigla. anak ng! kanina nangugulat tapos ngayon hinihila niya ako? si RAN? hinihila ng isang ICE? anak ng lolo mo! pers taym to dre! pero, si ICE yang pinag uusapan natin eh kaya, ok na ok lang BASTA SI ICE LANG! XD
"ngiti ngiti mo jan?"
"wala! nasan ba tayo ah?"
"tadaaaaa!!"
pinakita niya sakin ang secret garden. bakit alam ko? kasi dito ako namamalagi pag trip kung mag cut o na badtrip ako. tinignan ko siya ng may shock sa mukha ko habang siya naka ngiti lang.
"ba bakit tayo andito?"
he smiled at me and sheeplishly touched her nape "hihingi ng sorry" at ako naman si nabigla naka nganga habang yung mata ko, lumaki na parang frying pan.
*chuckle*
"anong nakakatawa?"
"wala. anyway, im sorry ran" siya while saying those words, hinawakan niya yung kamay ko pero ang mas pinakamalala yung pagtatampo ko sa kanya biglang nawala.
"bakit ka naman nag so sorry ice?"
"kasi ni text, call-- wait, ano tawag mo sakin?"
"uhh, ice bakit?" magsasalita na sana siya pero may tumawag sa phone niya. nag signal naman ako'ng go on. lumayas naman siya. XD
*sigh*
nung una, tinitignan lang kita sa malayo. kumukuha ng tiempo para makakuha ng mga "collectibles" mo at ilagay sa secret haven ko. pinapangarap na sana kahit sa isang eye to eye contact man lang mapansin niya ako. akala ko nga, nung una niya akong kinausap pangarap lang yun? pero nakng! isang malaking REALITY pala yun. hindi ko alam kung san at ano ang nagawa ko para bigyan niyo ako ng ganitong biyaya father god pero im super happy sa mga nangyayari.
^___________^
"anong ngiti ngiti mo jan?"
"pota! ano ka ba naman ice! wag ka ngang mangugulat jan! hmmp!"
tumabi naman siya sakin. nakaupo kasi ako dito, may bench kasi dito na nasa ilalim ng puno ng acacia. wag kayong mananakot, walang multo ngayon. HELLO! tirik na tirik ang araw oh!
"ano ulit sabi mo?"
"sabi ko, wag kang mangugulat."
"hindi. yung isa?"
"yung pagmumura ko?"
"hindiiii >3<"
WAAAAAAAAAAA >.< ang cute niyang mag pout. ang sarap hal- waaaaaaaaa! ano naman tong pinagsasabi mo ran! ang mahalay mo! >.< think about happy thoughts! go away bad thoughts!
"aaah! yung ICE ba? bakit mo naitanong? diba yan naman gusto mo ita-"
"tawagin mo akong YUE"
0____0
"ANOOOOO?!"
"call me YUE"
"wha whe wha wh BAKTI NAMAN KITA TATAWAGING YUE? DIBA AYAW MUNG TINATAWAG KANG YUE!!"
"cause, you're special."
NGANGA!
"iintayin kita mamaya sa labas ng classroom mo ah? hatid kita later, makabawi man lang. bye AYEISIAH.."
NGANGA + 0____0
ano daw sabi niya?
*
The whole afternoon is a blur and ngayon katatapos lang ng last subject namin. Ipinasok ko muna yung mga gamit ko sa bag and tinungo si bea.
"tara?" sabi ko sa kanya na nag nod naman siya in response. nung nasa labas na kami ay bigla siyang tumigil sa paglalakad.
"bakit ka tumigil?" tinuro naman niya sakin yung dahilan ng pag hinto niya and to my surprise andun si ice na hawak hawak ang isang strap ng bag niya at may ngiti sa labi.
dugdug.
ayan na naman si hearty kung maka beat ang lakas lakas parang dinadaga tong puso ko >.< hoooo! inhale.. exhale.. inhale.. exhale.. then smile.
"bakit?" tanong ko kay ice na may malaking ngiti sa labi niya.
"i told you, babawi ako sayo" sabay kuha ng dalawang libro at clear book sa kamay ko. Sinulyapan ko si bea and ayun kung maka ngiti parang aso.
"uhh, bespreng! una na ako sayo ah? nakalimutan ko may ipapabili pa pala si mommy. kitakits sa house! loveyou" sabay beso at kumaripas na ng takbo
(_____ _____) kung kelan mo kelangan dun pa mawawala. amps naman oh!
"so, san tayo?"
"kaw bahala"
--
"masarap ba?"
nag thumbs up lang ako sa kanya while kumakain ng "ano nga ulet tawag nito?" sabay turo ko sa kinakain kung bilog na may orange na kulay.
"kwek kwek yan, tapos ito naman fishball"
"aah, kwek kwek! ah, manong benteng piraso nga ng kwak kwak!"
napatingin naman si manong sakin pagkatapos kung sabihin yun tapos nakita ko pa si ice, tumawa ng tumawa na para bang may kakaiba akong nasabi.
"what?"
"kwek kwek beb, hindi kwak kwak!" pigil tawa niyang sabi.
"ewan ko sayo. pareha lang naman yun eh, pagkain na bilog na kolor orange" tumawa naman siya pati nga si manong nakitawa nalang pero hinayaan ko nalang at tinuon ang pansin ko sa kwak kwak na kinain ko.
YUUUUUUMY!
---
"nag enjoy kaba?"
"oo naman! ulitin natin yun ah? ang sarap talaga nung betamax, fishball, kikiam at kwak kwak! kapag naalala ko yun natatakam tuloy ako! ^O^"
tumawa naman siya na ikinagulat ko, SRSLY? kanina pa to tawa ng tawa baka kabagan tuloy to, ako pa ang i blame ng fan girls niya. ang obssess pa naman nun.
"anong nakakatawa sa sinabi ko?"
tinignan lang niya ako and there goes his oh-so-famous smile na nakakatunaw at nakakalaglag ng panty at bigla siyang tumigil na ikabigla ko.
"wala! ang cute mo kasi" tapos piningot niya ang ilong ko at tumakbo!
"YUEEEEEEEEEEEH!!!!!" sabi ko sabay takbo habang siya naman tumakbo pa ng tumakbo! aba! hinahamon ako ng lalake'ng to. hindi niya alam na reyna kaya ako sa takbohan!
"WAG KANG PAPAHULI SAKIN VENTURA KUNDI PIPINGUTIN KO RIN YANG ILONG MO! MAKIKITA MO!" at kumaripas na ako ng takbo para habulin siya ng biglang..
"aray!"
anak naman ng zuma oh! trny kung igalaw yung paa ko pero deym! ang sakit! ang sakit sakit! na sprain ata ako. patay na naman ako nito.
"ANONG NANGYARE SAYO? OK KA LANG BA? SAN MASAKIT?"
NGANGA!
"MAGSALITA KA NAMAN RHYTHM! SAN ANG MASAKIT?!"
"sa sa paa ko"
agad agad naman niyang tinignan ang paa ko at nag tsk lang siya. tinignan pa niya yung braso, kamay, mukha ko kung may galos pa pagkatapos tinanggal niya yung sapatos ko.
"aray!"
"tsk. ano ba kasing nangyare?"
"tinalon ko yung trashcan tapos napasama yung landing ko"
"tsk. wag munang uulitin yun sa susunod ah? aatakehin ako sa pag alala sayo eh"
SERYOSO? tama ba yung rinig ko? si ICE? nag alala sakin, tinignan ko yung mukha niya na tinignan parin yung paa ko and guilt is evident in his face.
"kungdi sana kita pinatakbo sana di nangyari to sayo. sorry :("
awwww. kaya pala "ok lang, ako rin naman ang may kasalanan eh"
"basta. sorry :("
isinuot niya ulet sakin yung sapatos ko at binuhat ako ng pang kasal style. SHT! SHT! BINUHAT AKO NI ICE. SHT!
"ice, ibaba mo ako" sabi ko pero parang wala sa kanya yung sinabi ko. "ice" sabi ko ulet pero wala eh.
*sigh*
"yueh, ibaba mo na ako!"
"wag ka ngang malikot jan. di ka nga makalakad ng ayos jan eh at kapag naglakad ka pa baka lalala yang sprain mo" sabi niya sa napaka seryoso'ng boses.
di nalang ako umimik baka ma badtrip pa sakin to & honestly, ang hipokrita ko naman kung sabihin kung hindi ko 'to nagustuhan. aba! isa to sa mga hinahangad ko na sana buhatin ako ni ice ng ganito and it was a dream come truueeeeeeeeee!!
eeeeee! kinikilig ako! shete! kung palagi ba naman akung mapipilayan at bubuhatin ako ni ice, gorabels akets! sheteee! i can feel his manly perfume & his abs! oh my gulaaaay!
"mabango ba?"
"oo naman! nakaka adek nga eh"
"hahahahahahaha"
ohmay! ohmay! what did i do?! shete! ang stupid stupid mo talaga ran! Swallow me earth as in now na! shete! sa lahat ba ng most embarassing moment si ice pa ang makakita? shete langs!
"ang cute mo talaga"
"what--"
"ANONG NANGYARI SA KANYA AT SINO KA?!"
oh oh! this is trouble! >.<
*
oh uh! kahit kailan talaga ang wrong timing niya. Nasa living room parin ako ngayon habang kumakain ng chocolate cake. keber ako sa presensya na! XD
"sino yung kasama mo?"
"kakilala ko"
"ano mo siya?"
"kaibigan"
"stop that monosyllabic tone of yours, its irritating!"
"wala ka na bang sasabihin? kung wala na, pupunta na ako sa kwarto" tumayo na ako at pumanhik sa kwarto. kahit kailan talaga panira ng araw. Ganda ganda na ng araw ko eh, kasama ko na sa pag uwi si Yueh kanina tapos darating siya? heck! kung maka tanong kala mo kung sino. brrr!
itutulog ko na nga lang tong bad vibes na'to! kainis! kung kelan masaya na ako, susulpot na naman si epal! brrrr!
*
Fast Forward natin ng kunti ang buhay ko ah? wala naman kasing interesting na nangyayari sa buhay ko. Dumating ang August na nag celebrate ang school namin ng nutrition month at pinagawa lang naman kami ng isang cake na ang ingredients ay mga gulat at fruits. COOL AYT? NOT. and then September came, waley paring nangyari. pinapagalitan pa rina ko ng mga prof's ko kasi late parin ako parati kahit nasa middle na nang sem, but i care no less. And the dreaded week came, ibig sabihin it is October na and today is HELL WEEK.
yes, hell week it is.
sa hindi nakaka gets para saming college student hell week = final's week para samin at pigaan yun ng neurons and dendrites which is nakaka stress. imbyerna lang talag! kung tinatanong niyo kung nag aral ako? ang sagot ko,
ISANG MALAKING WALA!
NGANGA!
WALEY!
"hoy!"
"anak n jergens!"
"kelan pa nagka anak si jergens?"
"simula nung namatay si majinboo"
"anong konek?"
POK!
"Langyaa naman beb! kung makabatok ka parang wala ng bukas!"
"kung maka langyaa ka jan ah! sino ba unang nanggulat satin ha?! ako ba? ako?"
"ay hindi, hindi. yung silya yung silya =__="
"gumaganun ka na ah?"
"san ba nagmana? san pa sayo!"
"nanay lang?"
"ay hindi tatay =___="
"=____="
"nag aral ka beb?"
"sa tingin mo?" tanong ko sa kanya. sasagot pa sana siya pero di na natuloy kasi pumasok na yung proctor namin, ibig sabihin simula na ng first exam.
After 1 hour and 30 minutes..
"wooo! sa wakas tapos na rin ang parusa! XD"
"tuwa ka naman?"
"naman! sinong di matutuwa eh tapos na ang hell week and hello vacation!" ngiting asong sagot niya sakin. kahit kailan talaga tong babae'ng to ang hilig sa galaan.
"san kayo mag sembreak beb?" tanong ko sa kanya. por syor ako? bahay lang. busy si kuya eh, which is wala namang pinagbago. magmimilagro ata kung di yan busy. parang pangalawang bahay na ata niya yung ospital.
"hmmmm.. sabi ni ma-"
"YOH!"
0.0!
"ano ginagawa mo dito ice?"
"hinahanap ka"
>/////<
"bakit naman?"
"Uh, tatanong lang daw niya kung san kayo mag se sembreak?" tanong ni lalakeng intsik ang mata. ano nga ulet pangalan niya? M nag start yun eh. memo? mento? gaaaah! basta M!
"bahay lang eh. ewan ko kay beb, may plano ata" ako
"sama ka nalang samin! may outing kasi kami sa puerto galera."
wow! puerto galera, gustong gusto o pumunta dun! *U*
"oo sama ako! kelan ba alis natin? kaw beb?"
"hihingi muna ako ng permission kay mami beb but for sure papayag yun! so im in!"
hingi pa ng permission eh, sasama naman? kahit kailan tong babae to! "so, kelan alis?"
"di naman halatang atat ka ran! hahahaha" tawa ni yueh
"shattap!" with matching pandidilat mata. hahahaha kahi mahal ko yan di naman ako papatalo nuh? ako kaya ang boss dito! XD
"Bukas na ang alis natin, sa school nalang tayo magkita kita para di na hassle. assembly time natin is 5am and kung may changes man sa time, ill let you know. alis na muna kami ah? may last exam pa kami eh. so see you soon :)" at umalis na sila Yueh.
yaaaay! Vacay with Yueh Iexzhekl is the MOST MEMORABLE SEMBREAK! KYAAAAAAAAAAAAAA!!! MASOSOLO KO SIYA SA SEMBEAK! BUAHAHAHAHAHAHAHAHAHA I CAN'T WAIT TILL TOMORROW! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!
--x
Yoh! may nagbabasa pa ba nito? kung meron. hi there! salamat sa pagbasa ^0^ and nag update ako kasi, may naisip ito'ng aking oh-so-lazy-utak. hohoho!
Still, naka ON-HOLD parin itong TNK kasi di ako sure kung kelan ako next update pero sa tingin ko ang next update nito is this coming December. i know, ang layo pa. kaka start pa lang ng November at yung next UD is the next month. May inaasikaso lang talaga akong bagay bagay na may kinalaman sa Future ko kaya ayun.
xoxo,
sandreeya ♥